Away sa Religion August 17, 2007
Posted by alhana in ~ Musings.trackback
“Bat ba maraming religion? Different paths lead to the same God—at least iyon ang opinion ko. Ang ayoko lang ay ang mga tao na nagsasabi na mas tama ang relihiyon nila sa iba. Kasi sa paniniwala ko, kahit naman ano ang religion mo kahit ba polytheism pa, may isang god na naghahari. Halos lahat naman tayo ipinataw lang ng parents natin ang ating relihiyon kasi yun rin ang religion nila. Kaya nga dinidiscourage ng ibang relihiyon ang kasalan sa dalawang magkaiba ang relihiyon kasi baka daw magkakagulo. Eh ikaw naman talaga ang bahala kung anong relihiyon ang gusto mong paniwalaan. Kumbaga ang mga magulang lang natin ang nagbigay sa atin ng ‘insights’ at tayo pa rin tatanggap.
Sa pagkaintindi ko mabababaw ang ‘batas’ ng relihiyon. Tulad ng pananamit atbp. Lahat naman ata ng relihiyon eh may ‘weird’ na paniniwala eh. Dito kasi nila nasasabi yung ‘uniqueness’ ng isa’t isa. Pero nasa sayo na yon kung susunod ka. Kasi ang iniisip ng iba, kapag hindi ka sumunod, may kasalanan ka na. Hindi yun tutuo para sa kin. Tama nga na sumunod ka dahil sa paniniwala at sa sarili mo nang rason pero yung rason nila na parang nagkasala ka pag hindi ka sumunod? Bakit nakasaad ba sa ‘10 commandments’ na kailangang hindi ka nakaminiskirt kapag magdadasal ka sa kanya? Ako nga minsan kahit nasa CR ako at nakaupo sa inidoro eh nagdadasal ako lalo na pagtakot ako (e tingnan nyo naman ang itsura ko nun). Kaya lang naman ginawa ng mga relihiyon yung ‘batas’ na yon ay para makontrol nila ang lumalaganap ng ‘masamang effect ng modernization’ ika nga eh. Kasi ang mga tao nagpupunta sa church hindi naman para magkumpara ng suot na damit o magtingin kung sino ang magagandang chicks eh, nagpunta tayo para sumamba sa Panginoon.
Dito ko ipapasok yung Biblya. Ano ba ang Bible? Isang libro tulad ng Koran (tama ba?) Basta nandito ang mahahalagang documents na ayon sa relihiyon natin… ipinasa pa ng mga kanunu-nunuan natin mula sa mga ninuno nila. Ilang beses na itong sinubukan ng science… tulad ng wala naman daw tayong tunay na dokumento para masigurado sa carbon dating kung tama ba naman yung mga dokumento na yun. Bakit? Nung nag-aaral tayo ng Kas2, sinabi dun na ang pag-aaral sa history ngayon hindi lang naman daw batay sa ‘real documents’ o relics and artifacts pero pati retold stories eh pinapahalagahan na rin. Kaya hindi talaga natin masasabi na mali yung Bible. Posible ngang ang mga disipulo ni God ang nagsulat nito o posible rin namang sinulat lang ito ng mga taong gustong gumawa ng paniniwala. Kahit ano pa, may naitulong na rin sa Biblya sa atin. Para malaman natin kung ano ang kinikilala nating tama o mali. Nasa atin na yon kung tatanggapin ba natin. Kung tutuusin naman halos lahat nasa atin kung gagawin natin eh. Kaya nga tayo may ‘free will’ na tinawag eh. Isang pinagaawayan pa eh hindi raw nabanggit sa Biblya ang ibang planeta o mundo. Malay ba natin kung sa ibang mundo eh meron rin silang sarili nila na Biblya (hindi naman natin alam eh) at hindi rin tayo binanggit. Pero nabanggit naman ang ibang mundo sa Biblya natin eh, kc kung mapapansin natin, sabi sa Bible, GOD CREATED THE WORLD. Anong mundo? Yung atin ba? Hindi natin alam pero baka naman sa mata ng Diyos, ang mundo nya ay ang universe na maraming mundo hindi ba? Nakita ba nating binaggit ang ‘Pilipinas’ sa Bible? Hindi naman pero bakit tayo naniniwala? Kasi Bible narin natin ito at kasama na tayo dito. Kahit hindi nabanggit ang bansa natin, kasama naman ang mga taong naninirahan dito. Parang ganun rin yung ibang mundo. Hindi man banggitin ang ibang mundo pero ang mga posibleng nainirahan sa kanila eh nabanggit rin sa sinabi na GOD LOVES ALL. O di ba? Tama ba logic ko?
Dito ipapasok natin ang mga ritwal ng mga simbahan. Kapag lumawak ang paniniwala mo sa sarili mong relihiyon magkakaritwal ka rin ata e, gustuhin mo man o hindi. Yung simpleng pagdasal lang masasabi ng ngang ritwal. Marami kasing ritwals at ako mismo hindi naniniwala sa iba. Pero hindi ko naman masasabing masama akong Kristiyano. Hindi naman lahat ng ritwal binabalewala ko. Hindi ako naniniwalang kailangan ko pang mag-sign-of-the-cross tuwing magdadasal ako. Ginagawa ko yun kasi nasanay na ako. Hindi rin ako naniniwalang kailangan ko pang kausapin ang isang pari para marinig ni God na nagkasala ako kasi alam kong pinapakinggan niya ako at sinasagot nya ako kapag napatawad ako nung taong ginawan ko ng mali. Hindi ako naniniwala sa mga imahen. Hindi ako naniniwala kasi ang mga tao sumasamba na sa itsura ng mga imahen hanggang pupunasan pa nila ng kanilang panyo tapos ipupunas sa sarili. Kasi nagdadasal sila sa isa isang idol lang. Nagdadasal ako kahit nakatingin sa mga imahen kasi hindi ko naman tinitingnan kung ano yung imahen kundi kung ano ang sinisimbolo nito. Kahit nakatingin ako sa isang bulaklak nakapagdadasal ako kasi iniisip ko kung para kanino ang dasal ko at hindi ako nagdadasal sa isang bulaklak.
Ang huli ay ang ‘Faith’. Dito naman halos lahat nanggaling hindi ba? Sa faith na ito. Dalawang ibig sabihin pa nga ito eh. (1) faith na paniniwala mo (2) relihiyon mo. Kaso parehas na halos sila. Dito nagsimula yun “If there is no God, man would create one” at yung iba pang sayings like “God works in mysterious ways” etc etc. Ang faith kasi natin ay kung papaano tayo maniniwala sa mga nasa paligid natin at gumagalang ibat-ibang balita sa ating relihiyon. Ako kung napansin nyo na, nakwento ko na ang aking faith. Ang mga paniniwala ko’t at ang pagkakaintindi ko sa mga relihiyon. Nasa inyo na kung paano nyo tatanggapin ako, itong mga pinasasabi ko at ang sarili nyo na ring paniniwala.”
http://www.peyups.com/article.khtml?sid=277
Opinion, Contributed by catherine (edited by karl)
Friday, September 14, 2001@ 02:23:01 PM
Peyups.com


hey jaja. it’s me your achie michelle. I was not able to read the whole article kasi sobra haba but i think we should just respect other people’s religions. it’s a never-ending debate kasi. I believe that religion is a personal choice. Pare-pareho lang naman na naniniwala tayo kay Lord di ba? Sana lang hindi maging factor ang religion para masira ang relationship ng mga tao.
Hi,
I found out your site while searching to learn your language.
Kisses from Portugal.